Close

4-anyos na batang babae ginahasa at pinatay ng kapatid

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Patay ang isang 4-taong gulang na batang babae matapos umanong gahasain ng kanyang 17-anyos na kapatid sa ina sa Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Kagawad Nima Alombro, iniwan ng ina ang bata sa kanyang kapatid habang ito'y nagtitinda sa palengke.

Subalit alas-7:00 ng gabi nang umuwi ang ina, hindi na nito nakita ang anak kaya't kanilang hinanap at nagpasama pa sa anak nitong binatilyo na sa kalaunan, umamin na ginahasa at pinatay ang biktima.

Inamin naman ng suspek na dinala niya ang bata sa creek at duon ginawa ang krimen.

Sinabi din ni Kagawad Alombro, na gusto ng ina ng biktima na makulong ang sariling anak dahil sa ginawa nito sa kanyang kapatid. Joseph Reyes