Close

4,500-foot ice cream sundae, record-breaking sa Texas

Sponsor ads


Nagtipon-tipon ang libo-libong volunteers sa isang festival sa Texas para gumawa ng record-breaking ice cream treat na sumusukat sa halos milyang haba.

Kaugnay nito, nasa 4,549-foot at 3.36-inch long ice cream sundae ang nagawa ng mga attendees sa Spirit of Texas Festival sa Wolf Pen Creek dahilan para mabasag ang Guinness World Record para sa longest ice-cream dessert.

Ang sundae ay ginawa gamit ang 500 gallons ng H-E-B Texan Tackle Crackle ice-cream at sinamahan ng 300 gallons ng chocolate at strawberry syrup, 2,000 cans ng whipped cream, 25 pounds ng sprinkles, at 20,000 cherries.

Ayon kay Spirit of Texas organizer Cynthia Caronna, malaki ang naging pale ng buong kumunidad para makompleto ang naturang record.

"My favorite part is just the whole community coming together. We have volunteers from Blinn, from A&M, from Mays busineess school from a number of the high schools coming out and creating memories and helping build a festival," saad ni Caronna.