Close

4% target inflation hanggang 2019, mahirap- expert

Sponsor ads


Naniniwala ang isang ekonomista na magiging mailap pa ang 4 percent target inflation rate ng gobyerno hanggang sa kalagitnaan ng taong 2019.

Ayon kay Bank of the Philippine Islands Chief Economist Emilio Neri Jr., dapat panatilihin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagpapatupad ng mahigpit na monetary policy at ituloy ang pagsuspinde sa second tranche ng excise taxes sa langis.

Mainam aniya na gawin ang naturang hakbang para makamit ang inflationary expectations bagama't mas mataas pa rin ito sa hinahangad na 4 percent.

Dagdag pa ni Neri, ngayong napanatili ang inflation rate sa 6.7 percent para sa buwan ng Oktubre ay mas kailangan pang galawin ang interest rates.

Mababatid na tinaasan ng Monetary Board ang interest rates nang apat na beses simula noong Mayo o kabuuang 150 basis points matapos ang sunud-sunod na pagsipa ng inflation.

Dahil dito ay tumaas ang overnight borrowing rate sa 4.50 percent, 5 percent para sa overnight lending rate at 4 percent sa overnight deposit rate.