Close

3x3 event sa Olympic Games, pinaghahandaan na

Sponsor ads


Pipilitin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na mayroong maisasabak na koponan ang Pilipinas sa Summer Olympics.

Ito ay posible umanong sa pamamagitan ng 3x3 competition event sa 2020 Olympic Games na pamamahalaan ng Tokyo, Japan.

Sinubukan din umano ng SBP na makapagpasok ng 5-on-5 team na syang di nalaro ng Pinoy cagers sa nakaraang 47 taon.

Ayon kay SBP executive director Sonny Barrios, nais ni SBP president Al Panlilio na mag-fcus ang Pilipinas sa 3x3 ngayong ang pinag-uusapan na ay Olympic medal.

Isasagawa na ang paghahanda para sa 3x3 event sa pangunguna ni dating PBA great Ronnie Magsanoc.

Pinulong pa ng SBP ang walo sa 16 nilang regional directors tungkol sa 3x3 program.