Close

30-point game sa ika-30 magkakasunod na laro, nakamit ni Harden

Sponsor ads


Hindi nakaapekto kay James Harden ang kanyang shoulder strain upang maabot nito ang 30-point mark sa isang laro sa ika-30 magkakasunod na pagkakataon.

Kumamada ng 31 points si Harden sa naipanalong laro ng Houston Rockets kontra Dallas Mavericks na nagtapos sa score na 120-104.

Aminado si Harden na hindi naging normal ang kanyang mga tira sa laro.

Pero hindi anya ito pwedeng maging excuse at sa ngayon ay masaya siya naging resulta ng laro.

Dahil dito ay makakasama ni Harden si Wilth Chamberlain bilang mga natatanging basketbolista sa kasaysayan ng NBA na nakakuha ng 30-game, 30-point streak.