Close

30-days more para desisyunan ang Maguindanao massacre case

Sponsor ads


Binigyang ng Supreme Court ang Quezon City judge na may hawak sa Maguindanao massacre trial ng karagdagang 30 araw para resolbahin ang multiple murder cases, halos sampung taon na ang nakakaraan.

Mababatid na may hanggang Nobyembre nalang si Judge Jocelyn Solis-Reyes para i-promulgate ang hatol ngunit hiniling ang deadline extension dahil sa tambak na case records na kinabibilangan ng 238 volumes.

Umaasa naman si Chief Justice Diosdado Peralta, na hindi na hihingi si Reyes ng karagdagan pang extension para bago matapos ang taon ay madesisyunan na umano ang naturang kaso.

Pinuri naman ni Peralta si Reyes sa pagsusumikap umano nitong mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Mababatid na pagkatapos ng ilang taong paglilitis, ang kaso ay submitted for resolution noong Agosto at sa ilalim ng court rules, ang huwes ay mayroong 90-araw o sa kasong ito ay hanggang November 20 para magpromulgate ng desisyon.

Batay sa datos ng korte, nasa 197 na angnakasuhan, 15 sa kanila ay may apelyedong Ampatuan, habang marami pa rin ang at large.