Close

30,000 nasita dahil sa pag-aangkas ng hindi asawa/live-in - PNP

Sponsor ads


Mahigpit na babantayan ng Philippine National Police- Highway Patrol Group ang mga motoristang lalabag sa ipinapatupad na back-riding policy ng pamahalaan.

Ayon kay PNP-HPG Director PBGen. Eliseo Cruz, nakahanda na ang kanilang mga tauhan para manghuli sa mga magka-angkas sa motor na walang protective barrier.

Paparahin umano nila ang mga mga riders na may-angkas na walang barrier.

Nilinaw naman ni Cruz na hindi sila maghihigpit sa magiging disenyo ng barrier subalit dapat maganda ang mga materyales na ginamit dito.

Sinabi naman ni Joint Task Force COVID Shield commander PLtGen. Guillermo Eleazar, hindi pipilitin ang mga rider na maglagay ng barrier subalit wala din itong karapatan para mag-angkas.

Sa tala ng PNP aabot sa 30,000 ang violators na nasita ng mga otoridad na magka-angkas subalit hindi naman magka-live-in o mag-asawa na siya lamang pinapayagan sa back-riding policy ng pamalahaan.