Close

30,000 manok sa Pampanga, pinatay dahil sa bird flu

Sponsor ads


Mahigit 30,000 mga manok ang pinatay at inilibing sa Pampanga para mapigilan ang pagkalat ng avian influenza.

Ito ang kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) kasunod ng ulat ng bird flu sa isang poultry farm sa bayan ng San Luis sa Pampanga matapos mamatay ang ilan sa mga manok ng may-ari ng farm.

Ayon sa DA, avian influenza strain (H5N6) na pwedeng makaapekto sa mga tao ang natagpuan sa nasabing farm.

Hinala ng DA, dahil ito sa bird flu outbreak sa ibang bansa na tumama sa mga migratory birds na regular na bumibisita sa Pampanga.

Mababatid na noong July 23, inanunsyo ng DA na nakontrol na ng ahensya at ng lokal na pamahalaan ng Jaen, sa Nueva Ecija, ang pagkalat ng avian influenza ng parehong strain na tumama sa isang barangay poultry farm noong Marso ngayong taon.