Close

3 sugatan sa pagsabog ng petrochemical plants sa Texas

Sponsor ads


Tatlong manggagawa ang nasugatan matapos ang kambal na pagsabog ng isang petrochemical plants sa Texas.

Dahil sa malakas na pagsabog ay nasira ang mga bintanang salamin at pintuan sa planta.

Agad namang pinalikas ang mga residente na pasok sa half-mile radius ng planta para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Nagbahay bahay rin ang mga otoridad para tignan ang lagay ng mga residente.

Mababatid naman na noong Abril, nasunog rin ang isang planta sa Houston na ikinasawi naman ng ilang trabahador.