Close

3 sangkot sa kontrobersyal na aksidente sa Bangladesh, nasintensyahan na

Sponsor ads


Nasintensyahan ng habambuhay na pagkakakulong ang tatlong tao na sangkot sa pagkaaksidente ng bus sa Bangladesh na nagresulta sa kamatayan ng dalawang batang estudyante.

Nahatulan ng guilty sa salang culpable homicide ang tatlong transport workers, kabilang na ang dalawang drayber.

Kapwa naman napawalang-sala ang may-ari ng kumpanya ng bus, at ang assistant nito.

Sinabi ni prosecutor Tapash Kumar Paul na masaya sila sa naging hatol.

Ang nasabing insidente ang naging hudyat ng kaliwa't-kanang kilos protesta upang ipinawagan ang aksyon ng gobyerno na gawing mas ligtas ang mga kalsada sa Bangladesh.

Sa gitna ng mga protesta ay ipinasa ng gobyerno ang mas mahigpit na batas sa trapiko, kung saan ay pwedeng bawiin ng gobyerno kaagad ang lisensya ng mga drayber na mahuhuling nagpapatakbo ng mabilis sa mga kalsada.