Close

3 sa 10 tauhan ng PNP, ayaw magpabakuna

Sponsor ads


Inanunsyo ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar na 3 sa 10 tauhan ng Philippine National Police ang ayaw magpabakuna kontra COVID-19.

Ipinunto ni Eleazar na mula sa 219,130 na personnel, ay nasa 65,434 o 29.86% ang ayaw magpabakuna.

Sinabi din ni Eleazar na nasa 153,696 o 70.14% naman ang mga tauhan ng PNP ang handang sumailalim sa inoculation gamit ang COVID-19 vaccines.

Naniniwala naman si Eleazar na tataas pa ang bilang ng mga tauhan ng PNP na handang magpabakuna.

Samantala, inihayag naman ni PNP chief Police General Debold Sinas na handa siya na maisapubliko ang kanyang pagpapabakuna kontra COVID-19.

(PHOTO: PNA)