Close

3 patay sa salpukan ng 3 motorsiklo

KORONADAL CITY - Kapwa patay ang mga driver at isang pasahero sa nangyaring salpukan ng dalawang motorsiklo, Hunyo 18 ng gabi sa Purok IB, Barangay Landan, Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Rene Banog Diale, 23, driver ng Motoposs Pinoy 125 na motorsiklo at walang plate number; Luz Magot Laogan, 27-anyos na driver naman ng SRM Sunriser na motorsiklo; at Jeric Culaman Diale, 11-anyos, back-rider ni Rene.

Sa imbestigasyon, magkasalungat umano ang direksyon ng dalawang motorsiklo ng magsalpukan.

Sugatan din sa insidente ang isa pang back-rider ni Rene na si Ella Mariz Diale Ganoy, 12 at dalawang backrider ni Luz na sina John Lloyd Magot Manduan, 18, single at Edgar Wayok Talan, 26.

Nanatili sa Howard Hubbard Memorial Hospital sa Barangay Cannery Site ang mga sugatan sa salpukan.

Sa ngayon, ini-imbestigahan na ang insidente. (Girlie Narciso-Solis)