Close

3 patay sa helicopter crash sa Grand Canyon

Sponsor ads


Tatlo ang patay habang apat ang nakaligtas matapos mag-crash ang sinasakyan nilang helicpter sa Grand Canyon.

Ayon sa chief of police ng Hualapai na si Francis Bradley Sr., sakay ng helicopter ang isang piloto at 6 na pasahero nito mula sa United Kingdom.

Nahirapan ang mga rescuers na makarating sa lugar dahil sa mahangin, madilim at masamang panahon.

Kabilang sa mga survivors ang piloto ng helicopter at dalawang babae na nakalabas agad sa nag-crash na helicopter.

Pag-aari ng Papillon airways na nagbibigay ng aerial seightseeing tour sa mga turista sa Grand Canyon at iba pang lokasyon ang nag-crash na helicopter.