Close

3 patay sa helicopter crash sa Abyei

Sponsor ads


Patay ang tatlong crew members ng isang Ethiopian military helicopter nang mag-crash ito sa isang United Nations compound sa Abyei region sa Sudan.

Ayon sa ulat, sugatan ang 10 iba pang pasahero nang bumagsak ang MI-8 helicopter sa compound ng UN Interim Security Force for Abyei (UNISFA).

May dala umanong Ethiopian troops ang chopper mula Kadugli sa Sudan at ihahatid sa Abyei, rehiyong pinag-aagawan ng Sudan at South Sudan.

Tiniyak naman ng acting head ng UNISFA na iniimbestigahan na ang insidente.

Nabatid na ang Ethiopia ang syang tanging troop contributing country sa UNISFA kung saan 4,500 sundalo ang naka-deploy on ground.

Nagbabala naman ang UN Security Council na patuloy na banta sa international peace ang sitwasyon sa Abyei at sa Sudan-South Sudan border.