Close

3 lalaki, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Abra

Sponsor ads


Inaalam na ngayon ng PNP ang pagkakakilanlan ng tatlong lalaki na napatay matapos makabarilan ang mga pulis sa Abra.

Sa impormasyon mula kay Police Col. Alfredo Dangani, Provincial Director ng Abra, nabatid na naganap ang engkwentro kaninang madaling araw sa Zone 7 Baranggay Anggad, Bangued, Abra.

Sa paunang imbestigasyon nabatid na hinarang daw nila ang isang tricycle para sa checkpoint, pero sa halip na huminto ay tumakas ang mga sakay nito papunta sa Brgy Cosili.

Dito na hinabol ng mga pulis ang mga suspek ngunit bumunot ng baril ang mga suspek at nagpaputok.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na nagresulta sa kanilang pagkakasawi.// ROCKY LESIGUES