Close

3-buwan na no price increase sa ilang produkto, tiniyak ng DTI

Sponsor ads


Inanunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na pabor ang mga manufacturers ng iilang food products sa tatlong buwan na moratorium ng price increase.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, nakumbinsi ng DTI ang mga manufacturers sa kanilang pagpupulong na huwag munang magpatupad ng price increase sa mga pagkain tulad ng de latang sardinas, de latang karne, kape, gatas, instant noodles, tinapay, asin, toyo, patis, suka, bottled water at kandila.

Tiniyak rin ni Castelo na hindi basta-bastang makakapagpatupad ng price hike ang mga manufacturers pagkatapos ng 3 buwan dahil kailangan pa ng mga ito na sumailalim sa review ng DTI.

Mababatid na pumalo sa 6.4% ang inflation nitong August kung saan ay nalampasan nito ang 5.9% forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ang inaasahang 5.88% ng Department of Finance.