Close

3 bata sa bayan ng Basud, patay matapos gilitan sa leeg ng sariling ina

Sponsor ads


Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng tatlong paslit sa mismong kamay ng kanilang sariling ina na nagyari bandang alas 10 ng umaga kahapon sa Brgy Pinagwarasan, Basud, Cam Norte

Ito’y Matapos gilitan ng isang 28 anyos na nanay ang kanyang tatlong anak na may mga edad na 5 taong gulang, 1 taon at walong buwan at ang pinakabata ay ang apat na buwan lamang na sanggol

Sa inisyal na ulat ng Basud Municipal Police Station, nakakaranas umano ng post-partum depression ang ina ng mga bata.

Matapos gilitan ang walang kamuwang-muwang na mga bata ay nagsaksak din sa sarili ang suspek gamit ang itak na narekober sa crime scene

Isinugod pa sa ospital ang mga biktima pero ideneklarang dead on arrival ng doktor habang isinasailalim naman sa gamutan ang suspek.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari

Ang “postpartum depression” ay tumutukoy sa pagkadama ng panlulumo matapos manganak. Maaari itong lumitaw pagkasilang sa alinmang anak, hindi lamang sa panganay. Maaari pa ngang makadama ng panlulumo pagkatapos na makunan o pagkatapos na ilaglag ang sanggol

Maraming kababaihan ang dumaranas ng postpartum blues, o baby blues, na kakikitaan ng bahagyang pagkalungkot, pagkabalisa, pagkamainisin, pagkamasumpungin, at pagkapagod.

Habang walang anumang maliwanag na katunayan kung ano ang sanhi ng postpartum depression