Close

3 SC justices, handang tumestigo vs Sereno

Kinumpirma ng abogadong si Larry Gadon na tatlo pang Supreme Court justices ang handang tumestigo laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Gadon, ito ay mula mismo sa isang mapagkakatiwalaang kaibigan.

Bagamat hindi imbitado ang tatlong SC justices ay bukas umano itong tumestigo oras na mailipat sa senado ang impeachment complaint.

Gusto kasi aniya ng mga ito na mailigtas ang korte at judiciary.

Tumanggi naman si Gadon na pangalanan ang mga nasabing testigo para hindi ito pagkaguluhan ng media.

Matatandaan na idineklarang sufficient in form and substance ang inihaing reklamo ni Gadon laban kay Sereno.

Dahil rito ay nagpasalamat si Gadon sa mga miyembro ng justice committee na nag-apruba sa kanyang complaint.