Close

29 bata, patay sa airstrike sa Yemen

Sponsor ads


Tinatayang nasa 29 mga bata ang patay sa isinagawang Saudi-led coalition airstrike sa Yemen.

Ayon sa International Committee of the Red Cross, natamaan ng airstrike ang isang bus sakay ang mga batang nasa field trip nang dumaan ito sa isang market sa Dahyan, northern province ng Saada.

Sa kasalukuyan, batay sa tala ng health ministry ng rebeldeng Houthi movement, umabot na sa halos 50 ang death toll habang halos 70 iba pa ang sugatan.

Halos lahat umano ng mga bata ay nasa loob ng bus nang tamaan ito ng airstrike.

Iginiit ng coalition na legal military action ang kanilang hakbang at mataas ang kanilang standard para sa targeting at hindi umano nila tinatarget ang mga sibilyan.

Ito ay sa kabila ng mga akusasyon ng rights groups na bimbomba ng mga ito ang mga palengke, eskwelahan, ospital, at residential areas.

Samantala, plano ng bagong UN special envoy to Yemen at dating British Diplomat na si Martin Griffith na imbitahan ang mga nag-aaway na partido sa Yemen sa Geneva ngayong darating na Setyembre para pag-usapan ang framework para sa negosasyon.





Image from: BBC