Close

28 brgy ng NoCot, pasok na sa BOL plebiscite

Sponsor ads


Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon ng 28 baranggay ng North Cotabato para sa inclusion sa pelebisto ng Bangsamoro

Organic Law (BOL) na nakatakda sa susunod na buwan.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, walo pang mga LGUs ang nadagdag sa initial list ng mga LGUs na naka-comply sa lahat ng mga requirements at rules, na magtatayo ng kanilang jurisdiction ng mga LGUs na tinukoy sa BOL.

Dagdag ni Jimenez, ang plebisito sa January 21 ay para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City sa Basilan at Cotabato City.

Una nang inaprubahan ng Comelec ang 20 petitions ng mga LGUs para mapabilang sa BOL plebiscite.

Ang naturang plebisito ay kinakailangan para sa ratipiskasyon ng BOL, na siyang bubuo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na papalit sa ARMM.