Close

279 news cases, pinakamataas sa daily number sa nakalipas na 9-days

Sponsor ads


Pumalo na sa 13,221 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease, at mayorya umano sa mga ito ay ikinokonsiderang active cases, habang 89 ang bagong naitalang recoveries o 2,932 sa kabuoan, habang 5 ang bagong COVID-related deaths o 842 sa kabuoan.

Ayon sa Department of Health, ang bagong 279 na kaso ang pinakamataas na naitala sa daily number sa nakalipas na siyam na araw.

Bago nito, inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque na kasalukuyang nararanasan na ng bansa ang second wave ng COVID-19 pandemic.

Samantala, sa naturang bilang, 9,447 o 71.45 percent ay kinokonsiderang active cases, o mga pasyente na nanatili sa mga ospital o sumasailalim sa home quarantine.

Sa 279 bagong kaso, 150 o 54 percent ay mula sa National Capital Region, 14 o 5 percent ay mula sa Region 7 o Central Visayas at 115 o 41 percent ay mula sa ibang rehiyon.