Close

27 patay sa sumalpok na bus sa Indonesia

Sponsor ads


Patay ang 27 katao habang sugatan ang 16 iba pa matapos na mahulog sa bundok ang isang bus na puno ng mga local tourists sa isla ng Java, Indonesia.

Naganap ang aksidente nang sumalpok sa isang motor ang bus na may dalang 40 pasahero habang binabagtas ang bundok sa rehiyon ng Subang sa West Java province dahilan para gumulong ito ng ilang beses.

Karamihan sa mga pasahero ng buas ay papunta sana sa isang hot spring mula sa South Tangerang sa Banten province.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang dahilan ng banggaan pero hinihinalang pumalya ang makina ng bus at nawalan ng power nang paakyat na ito sa mataas na bahagi ng bundok kaya't umatras ito sa isang motor bago mahulog sa damuhan.

Agad namang dinala ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital.

Mababatid na noong July lamang ng nakaraang taon, 10 ang nasawi kabilang ang isang Australian tourist at isang 12-anyos na bata nang sumalpok sa isang fertilizer truck ang sinasakyang bus na mula sa isang resort sa Bali patungo sa bayan ng Malang, East Java.