Close

27 gold medals, target ng PH sa Paralympics!

Dalawampu't pitong ginto!

Ito ang tinatarget ngayon ng ating mga atleta sa nalalapit na 2017 ASEAN Para Games na maguumpisa sa araw ng Linggo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon sa Philippine Sports Association of the Differently Abled, inaasahan nila na maiuuwi ng ating mga pambato ang 27 gintong medalya.

Kabilang sa mga inaasahang mga atleta ay si Josepg Medina na nakapaguwi ng bronze medal sa 2016 Rio Paralympics.

Sa ngayon, kalmado pa umano si Medina ngunit aminado siya na mayroon siyang pinapasang pressure.
#