Close

220 pages inalis ng Facebook

Sponsor ads


Inalis ng Facebook ang isang page na pag-mamay ari ng isang media enterprise na mayroong 43 milyon na followers na pawang mga Pinoy.

Ayon kay Facebook Cybersecurity Policy Head Nathaniel Gleicher, ilang beses nang lumabag sa kanilang polisiya ang Twinmark Media Enterprises na isang digital marketing company.

Damay rito ang lahat ng subsidiaries ng kompanya.

Para umano kasi lumaki ang kita ng Twinmark Media, minamanipula nito ang nga impormasyon sa pamamagitan ng pekeng accounts.

Bukod pa rito ay nagbebenta rin ang kompanya ng administration access sa Facebook pages.

Dahil rito ay pinagsabihan ng Facebook ang pamahalaan ng Pilipinas dahil sa bigo nitong pagrekomenda kung ano ang maging akauon laban sa Twinmark.

Nakatuon lang umano kasi ang pamahalaan sa mga lumalabag sa kanilang alituntunin.

Sa kabuuan naman ay nasa 220 pages, 73 accounts at 29 instagram accounts ang tinanggal ng facebook.