Close

22 reclamation projects sa Manila Bay, nadiskubre

Sponsor ads


Dismayado si House Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza sa mga ipinresentang proyekto ng Philippine Reclamation Authority sa Manila Bay na lubhang masama ang epekto sa kalikasan.

Sa pagdinig ng Committee on Metro Manila Development, lumabas na sa area pa lang ng Manila Bay ay mayroon nang dalawampu't dalawang reclamation projects at hindi pa kasama ang higit isandaan sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Kinastigo ni Atienza ang mga opisyal ng PRA dahil sa aniya'y bigong pagpapatupad ng umiiral na polisiya sa approval ng mga aplikasyon para sa reclamation projects na sumisira sa kalikasan.

Minaliit rin niya ang paliwanag ng PRA na lumilikha ng libu-libong trabaho ang pagkakaroon ng reclamation projects gaya ng Pasay Entertainment City.

Giit ng kongresista, maaari namang magtayo ng mga casino sa mga lugar na hindi reclaimed na makapagbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino.