Close

2021 Budget hinihintay na ni Pangulong Duterte - Go

Sponsor ads


Inihayag ni Senator Christopher Bong Go na naghihintay lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa isusumiting budget ng Kongreso para susunod na taon.

Ito ang pahayag ni Go kasabay ng pag-apruba ng Kamara 2021 proposed national budget para maiwasan ang reenacted budget.

Ayon kay Go, ginawa na ng pangulo ang lahat kasi ayaw niya ng reenacted budget at ayaw niyang pasanin ng mga kababayan na pasanin ang pasakit ng reenacted budget.

Sinabi ni Go na kaya naman maipasa on time ang budget basta pagsikapan ng mga mambabatas kahit hindi na mag-recess.

Muling ipinaliwanag ni Go na mahihirapan lalo ang bansa sa pagtugon sa COVID-19 pandemic kapag na-reenact ang 2020 budget sa susunod na taon dahil walang gagamitin sa pagbili ng mga PPE, iba pang supplies at pa-suweldo para sa mga kailangang frontliners.

Tiniyak din ni Go na handa na ang mga senador para sa kanilang trabaho naman sa proposed national budget at para masunod ang timeline.