Close

2019 budget: Salary adjustment, maibibigay sa mga guro sa SUCs

Sponsor ads


Ikinatuwa ni Senate Committee on Finance Vice Chair Sen. Sonny Angara na maibibigay na ang salary adjustment para sa mga guro ng State Universities and Colleges kasunod ng pag-apruba sa 2019 budget.

Ayon kay Angara, natapos na ang mahabang paghihintay para dito dahil nakapaglaan ng nasa P1.49 billion para sa job promotion ng mga SUC faculty

members.

Giit ni Angara, ang naturang dagdag benepisyo para sa mga guro ay 'long-overdue' na at matagal nang dapat naibigay.

Ang orihinal na panukala ng senador ay gawing P2.9 billion ang ilalaang pondo para sa mga teachers upang maisama ang 2013-2016 promotion cycle na

dapat sana ay naiimplementa na noong 2017 sa ilalim ng National Budget Circular 461.

Bagama’t kalahati lamang ang naaprubahan sa bicam, maituturing pa rin aniya itong malaking bagay na sa wakas ay may nakalaan nang pondo para sa

promosyon ng mga guro sa pampublikong pamantasan at kolehiyo.

Tinatayang P42,500 o P7,000 kada buwan sa loob ng kalahating taon ang maaaring matanggap ng isang faculty member.