Close

2018 Bar exam result posibleng ilabas sa May 3 -source

Sponsor ads


Inaasahang ilalabas na sa May 3 ang resulta ng 2018 Bar examinations.

Ayon sa source, ang date of release date ay maari pa namang magbago dahil "tentative" palang naman umano ito.

Si Associate Justice Mariano del Castillo, head ng 2018 Bar Examinations Committee, ang inaasahang gagawa ng anunsyo.

Ang 2018 Bar exams ay isinagawa sa loob ng apat na Linggo ng Nobyembre kung saan sakop sa pagsusulit ang civil law, political law, labor law, taxation, criminal law, remedial law, legal at judicial ethics.

Ito rin ang may pinakamataas na bilang ng mga examinees sa mga nakalipas na taon na mayroong kabuoang 8,155 aspiring lawyers na nakatapos sa 4-day exams.

Matatandaan na noong 2017, nasa 1,724 ang nakapasa sa Bar exams mula sa 6,748 examinees.