Close

2018, challenging year para kay Elmo

Sponsor ads


It's really been a challenging year.

Ito ang naging pahayag ng aktor na si Elmo Magalona matapos maharap sa mga kontrobersiya nang aminin ng dati nitong katambal at rumored girlfriend na si Janella Salvador ang kanyang pananakit.

Ayon kay Elmo, matindi ang kanyang mga pinagdaanan ngunit nagawa pa rin niya itong lagpasan sa tulong ng pamilya, mga kaibigan at mga taga-suporta.

Mababatid na ilang linggo ring nanahimik at nawala sa mata ng publiko ang aktor.

Sa ngayon, ayos naman umano siya at pinipilit nalang na mag-focus sa mas mahahalagang bagay.

Isa na rito ang pagpapasaya sa ibang tao sa pamamagitan ng pag-sshare ng kanyang blessings.

Spotted kasi ang aktor sa isang charity event para sa nursing home for the elderly.