Close

200-M eggs, pina-recall sa N.Carolina re: Salmonella

Sponsor ads


Pina-recall ng Food and Drug Administration ang mahigit 200 million eggs sa ilalim ng ilang farm's numerous brand names dahil sa pinangangambahan na salmonella.

Ayon sa FDA, mayroong 22 illnesses na iniuugnay sa naturang mga itlog na ipinamahagi mula sa Rose Acre Farms' facility sa North Carolina.

Ang Rose Acre Farms, na mayroong headquarters sa Seymour, Ind., na nagsusuplay ng kanilang ma itlog sa retail stores at restaurants sa siyam na states kabilang ang Colorado, Florida, New Jersey, New York, North Carolina, Pennsylvania, South Carolina, Virginia at West Virginia.

Ibenenta ang mga ito sa ilalim ng mga brands na Country Daybreak, Crystal Farms, Coburn Farms, Sunshine Farms, Glenview, Great Value maging sa Walmart at Food Lion stores. Ang plant number ay P-105, na mayroong Julian date range na 011 hangang 012 na naka-imprinta sa kabilang bahagi ng carton o package.

Nabatid na ito ang largest egg recall sa United States simula noong 2010.