Close

2 wanted arestado sa SoCot

Sponsor ads


KORONADAL CITY - ARESTADO ang dalawa katao sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa sa lalawigan ng South Cotabato.

Una rito ang nahuling may kasong murder sa Sitio Sulan, Barangay Klubi, Lake Sebu, South Cotabato.

Kinilala ang arestado na si Ramon Aboy Aman, 55-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Kulungan rin ang bagsak ni Roger Ludero Magtanong, 45-anyos, may asawa, liason officer at residente ng Purok Islam, Barangay Tuka, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

May kasong paglabag sa Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Act 1972 ang nahuli.

Kapwa nasa kostudiya na ang mga ito ng kapulisan. (Tiffany Jill Trinidad)