Close

2 veteran directors bagong miyembro ng executive committee sa MMFF

Sponsor ads


2 veteran directors bagong miyembro ng executive committee sa MMFF

Pormal nang inilagay sina Laurice Guillen at Nick Lizaso, kapwa beteranong mga direktor, bilang mga miyembro ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival.

Ito ay matapos alisin sa pwesto si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Mary Liza Diño dahil sa kinasangkutang mga kontrobersya.

Kasalukuyang presidente ng Cinemalaya Foundation Inc., si Guillen, habang kasalukuyang presidente ng Cultural Center of the Philippines at chairman ng National Commision on Culture and the Arts si Lizaso.

Kung matatandaan, kinuwestiyon ni Diño ang pag-alis sa kanya sa komite at sinabi nito na nais niyang maka-usap si Lim para sila ay magkaliwanagan.

Nag-ugat ang issue dahil sa umano’y makailang ulit nang pagtatangka ni Diño na ilipat sa FDCP ang pamamahala sa MMFF. - GLENN PARUNGAO