Close

2 umano'y terorista, naaresto sa Manila —NCRPO

Sponsor ads


Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na dalawang mga pinahihinalaang mga teroristang ang naaresto ng mga pulis sa Manila sa gitna ng mga holidays noong nakaraang buwan ngunit ngayon lang isinapubliko.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, isa sa mga suspect ay kinilalang si Abu Nas na naaresto sa Binondo noong December 20.

Dagdag ng NCRPO, si Nas ay "most wanted" member ng Abu Sayyaf group at dawit pagdukot sa 15 manggagawa ng Golden Harvest Plantation sa Lantawan, Basilan noong 2011.

Pagkatapos naman ng ilang araw ay sunod na naaresto si Jeran Aba alias "Abu Sinan" na may dala-dala pang pistol at granada.

Si Aba naman ay miyembro ng "Daulah Islamiyah" o ISIS-linked Maute group.

Una nang ring napaulat na umamin ito bilang dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Batay sa imbestigasyon, sinabi ng NCRPO na ang naturang suspke ay nagplano umano ng terror attack noong Christmas season.