Close

2 suspek sa pagpatay at paggahasa sa 15-anyos sa Lipa, kakasuhan

Sponsor ads


Mahaharap sa patong-patong na kaso ang dalawang suspek dahil sa pagnanakaw, panggagahasa at pagpatay sa 15-anyos na si Janna Mae Rico sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa pulisya, unang sumuko ang menor-de-edad na lalaki upang aminin ang nagawang krimen at isuplong ang kasawbwat nito na si Zyriel Limos, 18-anyos.

Kwento ng menor-de-edad na suspek na kinilala lamang sa pangalan na alyas "Mike", nataranta si Limos nang magising ang biktima.

Dahilan anya ito upang sakalin ni Limos at gahasahin si Janna Mae hanggang sa mawalan ito ng malay at kalaunan ay mamatay.

Aminado naman si Limos na ginahasa niya ang biktima pero si Mike anya ang pumatay rito.

Nakakulong na ngayon si Limos habang si Mike naman ay napunta sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development.