Close

2 suspects sa Generoso slay case sa Dumaguete, arestado

Sponsor ads


May hawak nang suspek ang Philippine National Police (PNP) sa pagpatay sa isang broadcaster sa Dumaguete City.

Ayon kay PRO7 RD PBGen. Val De Leon, ang mga suspek ay kinilalang sina Teddy Reyes Salaw at isang retiradong pulis na si Glenn Corsame.

Si Corsame ang nagsilbing driver ng motor na ginamit sa pananambang habang patuloy naman na tinutugis ang isa pang suspek na aktibong pulis na kinilalang PO2 Roger Rubio ng 1st PMFC of NORPPO.

Si Rubio naman ang sinasabing gunman sa pananambang sa blocktimer na si Dindo Generoso.

Samantala, trabaho, pulitika at pagkakasangkot sa away sa lupa ang mga anggulo na tinitignang motibo ng mga awtoridad ngayon.

Si Generosi kasi umano ay matapang na komentarista o hard-hitting radio broadcaster at pumasok ito sa pulitika noong 2016 pero idineklarang nuisance candidate sa pagka-mayor.