Close

2 suspected BIFF bombers, patay sa engkwentro

Sponsor ads


Bulagta sa gitna ng kalsada ang dalawang suspected bomb courier matapos itong makipagbarilan sa tropa ng Pamahalaan kaninang madaling araw sa bayan ng Mlang North Cotabato.

Sa panayam ngayong umaga kay North Cotabato PNP Spokesman PSupt. Bernard Tayong, nangyari ang insidente pasado alas tres ng madaling araw sa Barangay Sangat sa nasabing bayan.

Hindi rin malapitan sa kasalukuyan ang mga bangkay ng mga napatay na suspek dahil sa hinihinalang IED na dala ng isa sa mga ito.

Sa ngayon wala pang pagkakakilanlan ang mga otoridad sa mga napatay na suspek.

Nabatid na nagsasagawa ng military checkpoint sa nasabing barangay ang tropa ng 7th IB ng Philippine Army at nang sitahin ang dalawa ay bigla itong nagpaharurot ng motorsiklo sabay paputok sa tropa ng Pamahalaan kaya agad na gumanti ang mga otoridad na resulta para sa tuluyang pag neutralized sa mga suspek.

Samantala, wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa panig ng pamahalaan.