Close

2 pulis, kabilang sa 4 patay sa shooting sa Fredericton, Canada

Sponsor ads


Patay ang apat na indibidwal kabilang ang dalawang pulis matapos ang pamamaril sa eastern city of Fredericton sa New Brunswick, Canada.

Kinilala ang dalawang nasawing police officers na sina Robb Costello, 45 anyos, 20 taong police veteran, at Sara Burns, 43 anyos, kakapasok lamang sa Fredericton Police Force noong 2016.

Hindi pa inilalabas ang mga pangalan ng dalawa pang nasawi sa shooting pero sinabing babae at lalaki ang mga ito.

Kasalukuyan namang ginagamot sa ospital ang 48 anyos na suspek dahil sa mga tinamo nitong sugat.

Ayon sa ulat, nabulabog ng putok ng baril ang apartment complex sa nasabing lugar pasado alas 7 ng umaga (Canadian time).

Idineklara ng pulis ang banta sa complex alas 11 ng umaga.

Kasalukuyang naka-lockdown ang pinangyarihan ng insidente at inabisuhan ang mga residente na manatili sa loob ng kanilang mga bahay.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis kaugnay ng insidente.