Close

2 patay sa multiple vehicle collision sa China

Sponsor ads


Patay ang dalawang tao habang mahigit sa 50 ang nasugatan sa multiple vehicle collision sa Sinan-Jianhe at Jiangkou-Weng'an expressways sa Southwest Guizhou province sa China.

Sa report, mahigit isandaang kotse at isang bus ang nagbanggaan sa nasabing expressways dahil sa madulas na kalsada na bunsod ng matinding paglamig ng panahon.

Ayon sa mga otoridad, sampu sa mga nasugatan ay nananatili sa ospital dahil sa kritikal na kalagayan.

Dahil sa matinding paglamig ng panahon, isinailalim ng China Meteorological Administration ang ilang lugar sa yellow warning of ice dahil sa epekto nito sa mga kalsada.

Balik na sa normal ang traffic sa nasabing lugar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulan.