Close

2 huli sa drug ops sa Polomolok

Sponsor ads


POLOMOLOK, SOUTH COTABATO - ARESTADO ang dalawa katao sa isanagawang drug buy-bust operation sa Purok Mauswagon, Barangay Maligo nitong bayan alas -6:30 ng gabi ng Hulyo 11.

Kinilala ang mga nahuli na sina Ronniel Bernados, 23-anyos residente ng Purok Center, Barangay Maligo at Ginwell Hesulga, 22-anyos, residente ng Purok Mauswagon ng nasabing barangay.

Narekober sa mga ito ang P500 marked money at isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Nakakulong na ito sa lock-up cell ng Polomolok Municipal Police Station. (Tiffany Jill Trinidad)