Close

2 bagong fatalities dahil sa COVID-19 naitala sa CDO

Sponsor ads


Dalawang bagong pasyente ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 ang naitala dito sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Ayon kay City Health Epidemiologist Dr. Joselito Retuya, ang dalawang pasyente ay pawang mga senior citizen na mula sa Barangay Bugo at Barangay 13.

Na-cremate na ang mga labi ng mga nabanggit na pasyenteng namatay.

Dahil dito, tumaas sa 53 ang COVID-19 deaths sa Cagayan de Oro.

Kabilang naman ang dalawang fatality sa 45 bagong kaso sa COVID-19 ng lungsod.

Sa ngayon umakyat pa sa 1,184 ang total cases sa lungsod kung saan 360 ang aktibong kaso habang may naidagdag na 13 bagong nakarekober sa virus dahilan upang tumaas sa 742 ang COVID-19 recoveries.//BNFM CDO