Close

2 artista nasa watchlist ng PDEA dahil sa party drugs

Sponsor ads


Napabilang ang dalawang artista sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency dahil sa umanoy paggamit ng mga ito ng party drugs.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Services Acting Director Levi Ortiz , nasangkot ang dalawa matapos makita ang kanilang mga pangalan sa cellphone na pagmamay-ari ng napatay ma big-time party drug dealer na si Steven Pasion.

Batay sa nabasang palitan ng mensahe, nag-order ang dalawang artista ng 200 piraso ng ecstacy.

Tumanggi ang PDEA na pangalan ang mga ito habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Active pa rin ang naturang mga artista at lumalabas pa rin sa telebisyon.