Close

1st day ng CoC filing sa GenSan at Sarangani, nilangaw

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Mistulang nilangaw ang unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy o CoC sa Commission on Election sa General Santos City at Sarangani Province.

Ito'y matapos walang kandidato ang nagsumite ng kanilang CoC.

Sa General Santos City wala pang naka-file ng COC sa pagka-mayor, bise mayor pati mga konsehal subalit marami na ang kumuha ng application forms.

Maliban sa partidong Peoples Champ Movement at Achievement with Integrity Movement may isa pang gustong tumakbo bilang alkalde ng lungsod matapos itong kumuha ng aplikasyon at ito ay ang dating kumandidato sa pagka-barangay captain na si Armado Borja ng Barangay Dadiangas West.

Habang sa Sarangani Province inaantabayanan ng mga mamamayan ang pagsumite ng kanilang Certificate of Candidacy sa dating magkatunggali sa politika na sina incumbent Gov. Steve Chiongbian Solon at ang negosyanting si Bong Aquia. Joseph Reyes