Close

1st day ng COC filing ‘very successful’ – Comelec

Sponsor ads


"Very succesful" umano ang unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa 2019 midterm elections.

Dahil dito, umaasa si Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, na magtutuloy-tuloy ang ganitong sitwasyon hanggang sa huling araw ng COC filing sa October 17.

Ayon pa kay Jimenez, hindi sila nakatanggap ng anumang report ng paglabag na may kaugnayan sa COC filing mula sa iba pang Comelec offices sa buong bansa.

Kaugnay naman nito, nasa 27 senatorial aspirants ang naghain ng kanilang COCs sa Comelec main office kung saan tanging si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III palang ang nag-iisang incumbent senator at kauna-unahang naghain ng COC.