Close

1st batch ng Balik Probinsya program, nakauwi na ng Leyte

Sponsor ads


Dumating na sa Leyte ang unang batch ng mga sumali sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program ng pamahalaan na kinabibilangan ng 112 indibidwal mula sa Metro Manila.

Sakay sila ng limang bus at bumyahe ng 28 oras at sinalubong ni Leyte governor Leopoldo Dominico Petilla pagdating ng mga ito sa Government Center sa Palo, Leyte.

Sumailalim ang mga ito sa disinfection at swab testing pagkababa nila ng bus.

Mayroon nang inilatag na programa ang provincial government para makatulong sa mga ito gaya ng livelihood at skills training.

Dinala sila sa mga bayan ng Kanangga, Matag-ob, Alangalang, Tanauan, Hilongos, Bato, Burauen, Dagami, Julita, Tabobtabon, Palo, Tolosa, Isabel, Palompon, Tabango, Villaba, Abuyog, Javier, MacArthur, Calubia, San Isidro, Albuera, Merida, Tunga, Dulag, Mayorga, Carigara, Jaro, Babatngon, Barugo, Capoocan, Matalom, at sa lungsod sa Baybay.

Pagdating ng mga ito sa mga bayan, sasailalim sila sa 14 araw na quarantine sa mga isolation facilities habang hinihintay ang resulta ng kanilang COVID-19 test at imo-monitor ng mga barangay health officials.

Ang mga magpopositibo ay dadalhin sa referral hospital habang ang mga magnenegatibo sa virus ay pwede nang mamuhay sa komunidad pagkatapos ng quarantine period.



Image from: nci.da.gov.ph