Close

19 patay, 60 sugatan sa bus accident sa HongKong

Sponsor ads


Patay ang 19 katao habang sugatan ang 60 iba pa nang tumaob ang isang double decker bus matapos mawalan ng kontrol sa Hong Kong.

Inaresto ng mga otoridad ang driver dahil sa dangerous driving.

Ayon sa mga nakaligtas sa aksidente, puno ng pasahero ang tumaob na bus at mabilis ang takbo nito.

Dahil dito, sumalpok sa isang lamppost ang nasabing double decker bus at napuruhan ang mga pasahero sa upper deck.

Nauna nang nagreklamo ang mga nakasakay dahil late ng 10 minuto ang driver kaya't matulin nya itong pinatakbo.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.

15 lalaki at apat na babae ang naiulat na nasawi habang ang 60 iba pa ang isinugod sa ospital.

10 sa mga ito ay nasa kritikal ang kondisyon habang ang 20 iba pa ay seryosong nasugatan.

Karamihan sa mga nasawi at nasugatan ay mga nakasakay sa upper deck ng bus.

Kinokonsidera ito ng isang pahayagan sa Hong Kong na deadliest traffic incident mula noong 2003 bus crash na ikinamatay ng 21 katao.






Image from:nypost.com