Close

19 na election hot spots, maiging binabantayan - PNP

Sponsor ads


Maiging mino-monitor ng Philippine National Police ang 18 na lungsod at munispalidad na kinukunsidera bilang election hot spots bilang paghahanda sa nalalapit na election period sa Linggo.

Ang election hotspots ay ang mga lugar na may kasaysayan ng karahasan at matinding political rivalry sa tuwing nalalapit ang eleksyon tulad ng Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon kay PNP deputy spokesperson Supt. Kim Molitas, patuloy ang ginagawang validation ng pulisya habang palapit ang election period.

Nagsasagawa na rin ang pulisya ng joint operations kasama ang Armed Forces of the Philippines.

Sinabi naman ni Molitas na kung bumaba ang insidente at na-assess ng mga awtoridad na nabawasan ang karahasan ay posible naman na tanggalin na ang lugar sa nasabing kategorya.

Samantala, kamakailan ay nairekumendang mailagay sa ilalim ng kontrol ng Commission on Elections ang Daraga, Albay matapos mapatay doon si Congressman Rodel Batocabe Jr., at ang kanyang police aide.