Close

19 katao patay; 21 sugatan matapos mahulog ang sinasakyang bus sa nagyeyelong ilog

Sponsor ads


Patay ang 19 katao sa Siberia matapos mahulog ang sinasakyan nitong bus sa nagyeyelong ilog.

Kabilang sa nasawi ang dalawang menor-de-edad.

Bago mahulog ang bus sa ilog ay sumabog muna ang gulong nito habang binabagtas ang tulay sa Kuenga, Zabaikalsky Region.

Maliban sa mga nasawi, ay 21 pasahero naman ang nasugatan.

Kasalukuyan nang nagpapagaling ang mga biktima sa pagamutan.