Close

18 centenarian sa SoCot makakatanggap ng tig-P20,000

Sponsor ads


KORONADAL CITY- LABING-walong mga centenarian ang makakatanggap ng tig-P20,000 na cash incentives mula sa provincial government ng South Cotabato.

kasabay ng Provincial Centenarian Day Celebration ng South Cotabato ngayong Biyernes ipamimigay ang naturang benepisyo na isasagawa sa Barangay Morales, Koronadal City.

Ito'y malipab pa sa P100,000 na ibinibigay sa mga centenarian alinsunod ito sa nakatakda sa Republic Act 10868 o Centenarian Law ng Pilipinas kung saan mabibigyan ng insentibo ang mga nasa edad 100 taon pataas na mga senior citizen.

Ang nasabing aktibidad ang pangungunahan ng Provincial Social Welfare at Development Office at dadaluhan ng mga opisyal ng lalawigan ng South Cotabato.

Tatlo sa mga centenarian ang nagmula sa Koronadal City, dalawa mula sa TBoli, lima sa Banga, tatlo sa Tampakan, isa sa Lake Sebu, isa sa Tupi, dalawa sa Sto. Niño at isa sa Polomolok. (Tiffany Jill Trinidad)