Close

15 patay sa pag-atake ng Gunmen sa Thailand

Sponsor ads


Patay ang tinatayang nasa 15 tao, kabilang na ang isang pulis at defense volunteers matapos ang pag-atake ng armadong grupo.

Sinabi ng military regional security spokesman ng Thailand na si Colonel Pramote Prom-in na posibleng kagagawan ito ng mga rebelde.

Ito na ang pinakamalalang pag-atake sa loob ng maraming taon ng Muslim insurgency sa rehiyon na nag-ugat sa pakikipag-agawan nito ng kapangyarihan mula sa central government ng Thailand kung saan mayorya ng populasyon ay Buddhist.

Sinabi ng mga otoridad na gumamit ang gunmen ng mga pampasabog at pako sa mga kalsada upang pabagalin ang mga tumutugis sa kanilang grupo.

Naging karaniwan na ang mga ganitong klase ng pag-atake sa rehiyon, ngunit sa ngayon ay wala pang grupo ang umaangkin ng responsibilidad sa nangyari.

Sinabi naman ng Deep South Watch, na isang grupo na tumututok sa karahasan, na mula 2004 ay umabot na sa 7,000 tao ang napapatay ng mga rebelde.

Ayon sa eksperto ng Deep South na si Don Pathan, kadalasan ay hindi idinadamay ng mga rebelde ang village volunteers dahil kinukunsidera pa rin sila bilang mga sibilyan, maliban na lang kung sila ay nagiging bahagi na ng tinatawag na "state apparatus."


(Photos: AFP // Getty Images)