Close

15 lalaki na natagpuan sa loob ng truck, inaresto sa England

Sponsor ads


Arestado ang 15 lalaki na natagpuang nagtatago sa likod ng isang truck sa southwest England.

Sinabi ng Wiltshire Police na posibleng tinangka ng mga naaresto na makapasok sa England sa ilegal na paraan.

Hinuli din ang driver ng truck na isang Irish, at tinatayang nasa kanyang 50s, dahil sa hinihinalang pagtulong nito sa mga lalaki.

Tinatayang nasa pagitan ng 16-hanggang 30 anyos ang edad ng mga lalaki, habang hindi pa malinaw kung ano ang kanilang nationalities.

Nangyari ang pag-aresto ilang linggo matapos matagpuang patay ang dose-dosenang Vietnamese, sa likod ng isang truck sa silangang bahagi ng London.

Nahaharap na sa 39 counts ng manslaughter ang 25-anyos na driver ng nasabing truck na kinilala sa pangalang Maurice "Mo" Robinson.